Blog

A message for Elementary graduates

graduation-309661_960_720

Tema: Saktong buhay sa dekalidad na edukasyon pinanday.

Graduates, ano ba ang saktong buhay para sa inyo? Sakto na ba para sa inyo ang  lagi na        lng maglaro, mag-gala,magtampisaw sa ilog, tumunganga, tumambay sa bawat kanto, at mag antay na lng kung ano ang darating? Sakto na ba para sa inyo ang buhay na meron kayo ngayon? May mga magsasabi siguro sa inyo na

  • ok na! sakto na! kasi eto lang ang kaya nila nanay at tatay.
  • sakto na, wala namang tutulong na iba sa akin.
  • or pwede na kasi hanggang dito na lang ang kaya ko.

Ngunit umaasa hindi lang ako gayon din ang mga taong nasa harap ninyo na marami sa inyo ang sasagot na HINDI PA!, marami pa akong nais marating, malayo pa ang kaya kong lakbayin at lalagpasan ko pa ang mga taong nasa aking harapan at pagdating ng araw na iyon SAKA KO SASABIHING SAKTONG BUHAY NA ITO PARA SA AKIN.

Huwag ninyong isipin na hindi kaya ng mga magulang nyo na pag aralin kayo, na walang tutulong sa inyo at hanggang dyan lang ang kaya nyo. Narito ang mga taong inyong malalapitan, nandiyan ang mga politiko na handang maglingkod sa inyo. Nandito ang pamunuan ng DepEd na handang ipatupad ang programa ng gobyerno, ang Education for all. Merong scholarship program para sa mga taga subic at isa ako sa libo-libong tao na nabiyayaan ng programang yon. Ngayon heto ako, nakatayo sa inyong harapan, may matatag na pundasyon ng Edukasyon, subalit sasabihin ko, hindi pa ito ang saktong buhay para sa akin, kailangan ko pang mag aral upang makamit ko ang aking mithiin sa buhay at sa takdang panahon , sasabihin kong  HETO NA!,meron na akong saktong buhay dahil sa dekalidad na edukasyong pinanday sa tulong ng aking mga naging guro, pamilya at mga kaibigan.

Sa araw na ito ng inyong pagtatapos,napagtagumpayan nyo na ang pagsubok ng mababang paaralan ng elementarya. You have gained knowledge,skills and talents which you can use as you go forward on your studies. Ilang panahon at sakripisyo na lang at makakamit nyo na ang saktong buhay na pinapangarap nyo. Many people from a poor family became successful in life because of education. Ako at marami pang iba na nagsipagpatuloy ng kanilang pag -aaral ang nagtamasa ngayon ng pagkakataon para magkaroon ng maayos na pamumuhay. At ito ay dahil sa aming pagsisikap na makapagtapos ng aming pag-aaral, dahil sa pagsuporta, paghubog at pagbabahagi ng aming mga guro ng kani lang mga kaalaman. Pinanday nila kami sa maayos at dekalidad na edukasyon.

Marami pang pagbabago ang darating sa buhay ninyo kung yayakapin at ipagpapatuloy nyo    pa ang inyong pag aaral. We are in a world of competition. A competition where Knowledge is POWER. AIM for more knowledge and one day you will be more powerful in the path that you will choose in your life.

After a couple of months, you'll be entering secondary education.  During these times you will be acquiring more wisdom and you will also encounter a new challenge, be strong, always have confidence and I am sure you will finish this with flying colors.

Graduates, to last, I will leave you with this final quote, "you have brains in your head, you have feet in your shoes, you can steer yourself in any direction you choose. You're on your own. And you know what you know. You are the one who'll decide where to go" I hope one of these days, many of you will shine in the path you will take.

 

Congratulations and good luck on your long journey.

One Reply to “A message for Elementary graduates

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *