Blog

Mga Aral sa buhay Pag-ibig ni Juaning – I

juaning

Isang maulan na umaga habang nasa loob ka ng iyong opisina, dahil sa gawa sa salamin ang iyong bintana, tanaw na tanaw mo ang pagbagsak ng ulan mula sa kinaroroonan mo na apat na palapag na gusaling iyong pinagtratrabahuhan. Kahit wala ka naman sa labas parang ramdam mo at tumatagos sa puso mo ang lamig, tama marahil dahil sa aircon. Hanggang bigla na lang nagging slow motion ang pagbagsak ng ulan na iyong nakikita, pati ang angging humahalik sa salamin ng iyong bintana ay parang napakalakas ng tunog ng pagtalsik nito at mula doon unti unting bumalik ang alaalang matagal mo ng binaon sa iyong puso’t isipan.

Juaning! Tawag ng iyong kaibigan. Anak ng tinapa, bakit sa dinami dami ng pangalan na ibibigay sayo ng tatay at nanay mo Juanita Anna Santolla pa. Sabihin nyo, bakit? Bakit ha?, Ok na nga sana eh, nasa 2 syllables na. Di ba ganun ung mga IN ngayon, Anne Marie, Venus Jade, andami namang iba, bakit Juanita Anna pa? Haist, life. “Bakit absent ka kahapon?” Tanong ng iyong kaibigan. Highschool student ka sa isang pampublikong paaralan. Hindi sapat ang kinikita ng iyong magulang kaya sa pampubliko ka lang nila kayang pag-aralin. Gusto mo mang sisihin ang mundo o ang mga magulang mo, wala ka pa rin namang maidudulot na mabuti yon sayo.  Sa pampubliko ka man, at least nakakapag-aral ka pa rin di tulad iba na walang wala talaga. “Uy bakit wala ka kahapon?” Sabi ulit ng iyong kaibigan.

Tama, Nasaan ka nga ba kahapon?

Shsssssss, tunog yan ng sagitsit ng gulong ng kotse (hindi lang halata). Nasa gitna ka ng kalsada dahil tumatawid ka, pero dahil wala ka sa iyong sarili, hindi mo napapansin na may paparating na sasakyan, buti na lang naimbento ang preno sa sasakyan kaya until now humihinga ka pa, magpasalamat ka sa gumawa ng preno. Anyways, continue tayo, sumilip ang driver “Hey, are you blind? Magpapakamatay ka ba?” Wala kang naiintidihan sa sinasabi nya, dahil abala ang isip mo sa pag iinspection sa taong nagsasalita, gwapo siya, hindi gaanong kaputian, mga 5’8 ang taas, maskulado ang katawan, parang masarap yumakap at napakabango nya. Kung eto ang jowa mo malamang itatago mo na lang siya sa closet mo para wala kang kaagaw. “Hindi lang yata siya bulag, bingi pa siya.” Sabi ng babaeng nasa tabi nito. Babae? May jowa pala. “Mister hindi aq bulag mas lalong hindi ako bingi” sabay tingin sa babaeng kasama nito. “At hindi ako magpapakamatay, baka ikaw, aba ikaw n etong muntik makasagasa ikaw pang ganyan, Napakasama mo! Mag-ingat ingat naman kayo noh!” Sabay talikod at walang kaabog abog na umalis. Pero hindi yon ang dahilan kung bakit absent ka, naisip mo lang talaga ang lalaking yon. Anyway, bakit ka nga ba absent? Nagagalit ka na kasi sa mundo dahil mahirap ka. Bakit kailangan maging mahirap ka at maging mayaman ang iba, bakit hindi na lang ikaw ang mayaman? Bakit nagsisikap naman ang iyong mga magulang pero bakit walang nagbabago? Bakit, may kulang pa ba? Ano pa ba ang hindi sapat? Ano? Ano? Ano? At dahil sa kaka emote mo tinamad ka ng pumasok, at naisip mong maglakad lakad na lang kaya yon ang sumunod na pangyayari. Anyway, alam mo naman kasing walang quizzes and recitations sa araw na yon kaya dedma lang. “Wala lang, masakit kasi ang tiyan ko kaya di na ko pumasok, baka sa school pa ko magkalat alam mo na, madalas pa naman barado mga CR natin.” “Ah sabagay nga” sang-ayon ng iyong kaibigan.

Kring, kring, kring, tunog yan ng telepono. Medyo katunog naman di ba? Anyway bumalik ka na sa kasalukuyan pero hindi pa rin bumabalik ang ganda ng panahon, maulan pa rin sa labas. Tulad ng mga alaalang patuloy pa ring dumadaloy sa iyong kaisipan kahit anong waksi mo. Mga alaalang puro sakit at pighati lang idinidulot nito sayo. Maraming pangarap na nasayang at maraming "SANA" ang inasam, ngunit sa huli kalungkutan din lang ang kinabagsakan.

 

 

Thanks for reading.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *